Product
More
Legal
© 2026Daily24.All rights reserved.
Sapul sa CCTV ang pamamaril ng riding-in-tandem sa isang lalaki sa Tuao, Cagayan nitong Miyerkules ng umaga.
Nakunan ng video na nakaupo sa kanyang kolong-kolong ang biktimang miyembro ng Lupong Tagapamayapa sa gilid ng kalsada sa Barangay Centro 2.
Maya-maya, dumating ang mga nakamotorsiklong suspek at agad na pinagbabaril ng nakaangkas ang biktima na agad niyang ikinamatay.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin at ang motibo sa pamamaslang.
TV Patrol, Huwebes, 12 Nobyembre 2026.